^

Bansa

Patas, tamang proseso sa kontrata ng basura

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ng isang samahang pangkomunidad sa Parañaque na tumutulong sa mga kabataan na susulat sila kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez at sa City Council upang ipabusisi ang prosesong isinasagawa ng Bids and Awards Committee (BAC) ng lungsod sa kontrata sa basura.

Batay sa mga nalathalang ulat, Setyembre 24 ang “deadline for submission of bids” ng lungsod para sa “waste management service contractor” kung saan tanging Leonel Waste Management lamang ang umano’y nag-iisang kwalipikadong mag-submit ng bid sa pamahalaang lokal.

“Kung ‘di iwawasto ang proseso, parang give-away na lang ang P100-milyong kontrata sa basura, dahil kataka-takang wala man lang ito ‘ni isang kalaban sa bidding,” ani Jerry Marcelo, chairman ng Sunday Club sa Parañaque.  

Nilinaw ni Marcelo na ang tanging layunin nila sa ihahaing apila ay tiyaking ‘di masasayang ang buwis na binabayad ng mga taga-Parañaque kung “magi­ging patas, bukas at tama ang proseso sa pagpili ng kontratista.

“Gusto naming matiyak na ‘di mapagsasamantalahan ang kaban ng bayan at sapat ang serbisyong makukuha ng publiko,” diin niya.

BATAY

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CITY COUNCIL

IGINIIT

JERRY MARCELO

LEONEL WASTE MANAGEMENT

MAYOR EDWIN OLIVAREZ

SUNDAY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with