‘Happy birthday’, huling paalam ni Army 1Lt. Rama
MANILA, Philippines - Nagawa pang makatawag sa kaniyang misis upang bumati ng maligayang kaarawan ni Army 1st Lt. John Kristopher Rama ilang oras bago ito mapatay ng sniper ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Bgy. Sta. Barbara, Zamboanga City nitong Huwebes.
Sa pahayag ni Erlinda, biyuda ni Rama, labis ang kaniyang kalungkutan sa kaniyang ika-28 kaarawan dahil sa halip na magsaya ay nagluluksa ang kaniyang pamilya sa pagpanaw ng kaniyang asawa.
“Hindi po siya showy sa pagmamahal niya sa amin ng aking anak na babae, pero nung araw na tumawag siya ay nagtataka ako at sobrang lambing niya,†naluluhang salaysay ni Mabilog kung saan ito na pala ang huling paalam ng kaniyang mister.
Halos matulala ang ginang ng mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang asawa sa pakikipagbakbakan sa Zamboanga.
Si Rama, 30, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2008 ay nasawi sa ‘traumatic brain injury’ matapos masapul sa ‘sniper fires’ ng MNLF.
Ang opisyal na tumatayong Platoon Leader ng 1st Light Reaction Company ay isang US trained at nasa 5 taon at limang buwan na sa serbisyo sa ilalim ng elite Special Operations Command ng Philippine Army.
Kahapon ay dumating na sa Villamor Air Base ang labi ni Rama lulan ng aircraft ng Philippine Air Force at idineretso sa mortuary ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Inihayag naman ni Lt. Col. Harold Cabunoc na mahigit kalahating milÂyong piso ang tatanggaÂping benepisyo ng naulilang pamilya ni Rama bukod pa sa scholarship ng anak nitong babae.
- Latest