^

Bansa

6 sa 38 kinasuhan sa ‘pork’ nakalabas na ng bansa - BI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalabas na ng Pilipinas si dating Agusan del Sur Congressman Rodolfo Plaza at limang iba pa na inireklamo dahil sa pork barrel scam sa Ombudsman at kasama sa 35 isinailalim sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration. 

Ito ang kinumpirma ni BI Spokesperson Maan Pedro batay sa isinagawa nilang beripikasyon sa kanilang rekord. 

Nabatid na si Plaza ay nakaalis ng Pilipinas nito lamang buwang kasalukuyan patungo sa isang bansa sa Asya. 

Setyembre rin ng taong kasalukuyan nang makabiyahe sina Dennis Cunanan, Director General ng Technology Resource Center at Antonio Ortiz, dating Director Gen. ng TRC.

Sina Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes, dating Chief of Staff ni Senador Juan Ponce Enrile at Ruby Tuason, representative nina Enrile at Senador Jinggoy Estrada, ay nakaalis nitong Agosto 2013.

Habang si Nemesio Pablo Jr., presidente ng Agri and Economic Program for Farmers Foundation Inc. ay nakaalis na noon pang Mayo 2010.

Sinabi ni Pedro na nagpapatuloy pa ang verification nila sa kanilang travel records at posibleng madagdagan pa ang kanilang listahan. 

 

AGRI AND ECONOMIC PROGRAM

ANTONIO ORTIZ

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF OF STAFF

DENNIS CUNANAN

DIRECTOR GEN

DIRECTOR GENERAL

FARMERS FOUNDATION INC

JESSICA LUCILA

NEMESIO PABLO JR.

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with