‘Pork’ solons puntirya ng BIR
MANILA, Philippines - Bubusisiin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang talong senador at 35 pa na kinasuhan ng plunder at graft sa Ombudsman.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, ito’y upang malaman kung nakapagbayad ng tamang buwis ang mga sangkot sa naturang scam na piÂna nguÂngunahan nina SeÂnators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na sinasabing nagÂlaan ng pondo sa NGO ni Janet Lim-Napoles at kung nakasaad ito sa kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).
Hihingin ni Henares sa Ombudsman ang kopya ng complaint sa iba pang mga kinasuhan na daÂting mambabatas, head ng mga ahensya, chief of staff at iba pang mga idinawit sa P10 billion pork barrel scam.
Anya, lahat ng source of income ng mga ito maging ito man ay “kickbacks†ay kailangang may kabayarang buwis.
- Latest