^

Bansa

Lanuza balik Pinas!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang may 13 taong pagdurusa sa kulungan, makakauwi na ang OFW na si Rogelio “Dondon” Lanuza na nahatulan ng bitay dahil sa pagpatay sa isang Saudi national noong 2000.

Kinumpirma ni Vice President Jejomar Binay ang pag-uwi ni Lanuza sa Pilipinas na inaasahang lalapag ngayong hapon (Setyembre 19) sa Ninoy Aquino International Airport mula Dammam. 

Sasalubungin si Lanuza ng mga opisyales at kinatawan ng Office of the Vice President, DFA at Overseas Workers Welfare Administration sa paliparan. 

Nagpasalamat si Binay sa pamahalaang Saudi Arabia lalo na kay King Abdullah dahil sa mala­king tulong na ibinigay kay Lanuza matapos na akuin ang kakulangang 2.3 milyon Saudi riyal na blood money mula sa kabuuang 3 milyon SAR o mahigit P32 milyon upang ganap na makakuha ng tanazul o affidavit of forgiveness sa pamilya ng kanyang napatay.

“This is a rare instance where the king of Saudi Arabia contributed millions of pesos to save someone’s life,” ani Binay.

Nagdiwang naman ang pamilya ni Lanuza sa Pilipinas at isang mainit na pagsalubong ang kanilang inihanda sa pagdating nito. sa Manila.

Si Lanuza ay hinatulan ng bitay ng Saudi court noong 2001 dahil sa pagpatay sa isang Saudi national na nagtangka umano siyang gahasain.

Nakakuha ng pardon si Lanuza sa pamilya ng biktima matapos na unang mag-demand ng 6 milyon SAR na bumaba sa 3 milyon SAR.

BINAY

KING ABDULLAH

LANUZA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PILIPINAS

SAUDI ARABIA

SI LANUZA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with