^

Bansa

Inilunsad sa Zambo Air strikes vs MNLF

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Naglunsad na kahapon ng air strike operation ang mga combat plane ng Philippine Air Force (PAF) upang malipol na ang nalalabi pang grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa kanilang defensive position sa ‘battle zone ‘ sa ilang apektadong lugar sa Zamboanga City.

Sa ulat, dalawang MG520 attack helicopter ang ginamit sa pambobomba ng tatlong rounds ng rockets pasado alas-12:00 ng tanghali sa posisyon ng mga nagsisipagtagong rebelde sa Sitio Lustre sa Brgy. Sta Barbara. Ito ang kaunaunahang gumamit ng air strike operation ang AFP sa ikawalong araw ng stand off.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan na ‘closed air support’ lamang upang mapalabas sa kanilang pinag­lulunggaan ng rouge MNLF ang isinasagawa ng PAF sa lugar bilang tulong sa ground forces ng Philippine Army at ng pulisya.

Gayunman, kinumpirma ng isang military officer sa Zamboanga na ayaw pa ring magsisuko ng MNLF Misuari faction kaya dapat na ang mga itong gamitan ng kamay na bakal sa pamamagitan ng air strike operation.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang assessment kung ilan pa ang karagdagang rouge MNLF ang napaslang at nasugatan sa air strike operation sa lugar.

Sinabi ni Tutaan, simula noong Setyembre 9 hanggang sa inisyal na tala nitong Lunes ay 61 na ang nasawi kabilang ang tatlong pulis, tatlong sundalo, limang sibilyan at 51 rogue MNLF forces habang nasa 112 naman ang nasugatan.

Inihayag naman ni DILG Sec. Mar Roxas na matapos ang tatlo hanggang apat na araw na mapalibutan ng security forces ang MNLF ay patuloy ang bakbakan sa pagitan ng magkabilang puwersa.

Samantala, pitong miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) fighters, lima rito ang nakasuot pa ng uniporme ng pulis habang ang dalawa naman ay may anting-anting at rosaryo ang nasakote sa magkakahiwalay na operasyon kahapon sa Zamboanga City.

 

vuukle comment

CAMP AGUINALDO

DOMINGO TUTAAN

MAR ROXAS

MNLF

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE ARMY

SITIO LUSTRE

SPOKESMAN BRIG

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with