Manila Water dudulog sa water rate ng MWSS
MANILA, Philippines - Balak idulog ng Manila Water Company (MWC) sa international arbitration ang naging desisyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) hinggil sa ipinalabas nitong taripa sa water rate para sa susunod na limang taon.
Hakbang ito ng MWC makaraang maglabas kamakalawa ang MWSS ng water rate at tapyasan ang kasalukuyang singil sa tubig na ipinapatupad ng nasabing kumpanya.
Lumalabas na tinanggal ng MWSS ang ilang proyekto ng nabanggit na kumpanya na sana’y magsisiguro na mabigyan ng tuluy-tuloy na serbisyo sa patubig at sa pagbibigay ng malinis na maiinom ang mga susunod pang henerasyon at kanilang mga consumer.
Dahil dito, ibig ngaÂyung hamunin ng MWC ang isinagawang rate determination ng MWSS sa international arbitration base na rin sa nakapaloob sa concession agreement na naglalayon na ipaglaban ng mga ito ang karapatan ng kanilang mga consumer.
Sa argumento ng MWC, tinanggalan umano ng karapatan ng MWSS ang kanilang mga kasalukuyang kostumer ng assurance para sa walang patid sa serbisyo sa tubig at seguridad para sa water supply.
Mistulang binalewala rin umano ng MWSS ang pinaka-matagumpay na Public-Private Partnership (PPPs) na pinasok ng gobyerno sa nakalipas na 16 na taon sa isinagawa nitong water rate determination at lumalabas din na tila ibig nitong ibalik muli sa dati ang nararanasang krisis sa water services ng publiko noong 1995.
- Latest