^

Bansa

4-libo dumalo sa ‘pork’ rally

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang umabot lamang sa 4,000 ang dumalo sa idinaos na ‘People’s March and Youth Concert’ laban sa pork barrel kahapon sa Luneta Park, ayon sa pagtaya ng National Parks and Development Committee (NPDC).

Gayunman, sinabi ni NPDC spokesperson Kenneth Montegrande: ”kakalog-kalog sila nga­yon, di kagaya nung una, kasi kahit yung mga estudyante nagkakaniya-kaniyang mag-uwian kaya hindi mo makitang lumalaki ang crowd.

Hindi umano tulad ng unang idinaos na rally noong Agosto 26 na “Million People March” dahil umabot ito sa 75,000.

Nasa kalahati ng dumalo ay nagmula sa  Letran College, Assumption College, University of the Philiipines, Polytechnic University of the Philippines at San Beda College.

Kaniya-kanya namang kinatawan sa pagdarasal ang iba’t ibang religious groups nang magsimula ang programa at bago pa tumuntong ang alas 6:00 ng hapon ay sinimulan naman ang inihandang “Rock and Rage Against Pork” concert.

Iginigiit naman ng grupong Gabriella na nasa 10-libo ang dumalo dahil mayroon silang attendance list.

Nagsidalo rin ang mga personalidad na sina Pastor Boy Saycon, Jun Lozada at Juana Change.

Samantala dalawa pang katulad na rally ang plano umanong isagawa sa Setyembre 21 at Disyembre 6, 2013.

ASSUMPTION COLLEGE

JUANA CHANGE

JUN LOZADA

KENNETH MONTEGRANDE

LETRAN COLLEGE

LUNETA PARK

MARCH AND YOUTH CONCERT

MILLION PEOPLE MARCH

NATIONAL PARKS AND DEVELOPMENT COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with