^

Bansa

Giyera sa Mindanao tapusin na!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela kay Pangulong Aquino si Cotabato Auxiliary­ Bishop Jose Colin Bagaforo na tuldukan na ang giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at bandidong­ Moro National Liberation Front (MNLF).

Kahapon ay pinayuhan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sina Pangulong Aquino at Chairman Nur Misuari ng MNLF na mag-usap para ayusin ang hindi pagkakaunawaan. 

Ayon kay Bagaforo, nakikiusap siya kay Misuari na kusang paalisin ang kanyang tropa sa lungsod habang­ dapat naman umanong  dinggin ni Aquino ang hinaing ng mga rebelde.

Apela naman ni Basilan Bishop Martin Jumoad sa magkabilang panig, maging bukas sa dayalogo lalo’t hindi solusyon ang baril para sa hinahangad na kapayapaan.

Panawagan pa nina Surigao del Sur Bishop Anto­nieto Cabajug at Episcopal Commission on Canon Law Chairman Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso sa MNLF, pakawalan na ang mga bihag at huwag idamay sa hidwaan sa pamahalaan.

BASILAN BISHOP MARTIN JUMOAD

BISHOP JOSE COLIN BAGAFORO

CANON LAW CHAIRMAN TAGBILARAN BISHOP LEONARDO MEDROSO

CATHOLIC BISHOPS

CHAIRMAN NUR MISUARI

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

COTABATO AUXILIARY

EPISCOPAL COMMISSION

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with