Jobless Pinoy: 3M
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 3 milÂyon ang mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Ito ay batay sa isinagawang Labor Force Survey ng National Statistics Office (NSO) nitong Hulyo 2013.
Ayon kay Socio-economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ang pagtaas ng bilang ng mga jobless sa bansa ay bunga ng kakulangan sa kasanayan at karanasan ng mga Pilipino para sa mga trabaho sa iba’t ibang kumpanya sa bansa laluna ng mga kabataan.
Sa naturang bilang ng mga walang trabaho ay nagpapakita ito ng pagtaas ng may 7.3 percent na unemployment rate mula sa 7.0 percent ng July 2012 o 2.84 milyon jobless sa bansa.
Bunga nito, sinabi ni Balisacan na gumagawa ngayon ng paraan ang pamahalaan na palakasin ang programang pang-edukasyon at pagnenegosyo sa bansa upang mabawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa ngayon.
- Latest