^

Bansa

‘Pork’ pinigil ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinigil ng Korte Suprema sa pamamagitan ng inilabas na temporary restraining order ang   implementasyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas sa ilalim ng General Appropriations Act of 2013.

Ito ang napagkasunduan ng mga mahistrado sa isinagawang en banc session ngayong araw.

Bukod dito, pinigil din ng SC ang pagpapalabas ng Malampaya Fund na gagamitin para sa pagpapairal ng bahagi ng probisyon ng Section 8 ng Presidential Decree 910.

Sa naturang probis­yon, sinasabing “for such other purposes as may be directed by the President” ang Malampaya Fund.

Itinakda ng SC ang oral argument para sa nasabing usapin sa Oktubre 8, alas 2:00 ng hapon kung saan binigyan din ng SC ang mga petitioner at respondents ng 10 araw para magkomento.

Nabatid na naghain ng kanilang mga petisyon kontra sa PDAF at Malampaya Fund sina dating Manila Councilor Greco Belgica, Social Justice Society at dating Mayor Pedrito Nepomuceno.

Kabilang naman sa mga pinangalanang res­pondents sa kaso ay sina Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., et. al.; Senate President Franklin Drilon, et. al.; at Pangulong Benigno Aquino III.

“This shall take effect immediately until further orders from the Court,” nakasaad sa utos pa ng SC.

 

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

KORTE SUPREMA

MALAMPAYA FUND

MANILA COUNCILOR GRECO BELGICA

MAYOR PEDRITO NEPOMUCENO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL DECREE

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SOCIAL JUSTICE SOCIETY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with