^

Bansa

Para sa confidential expenses: Half bilyong budget hiling ng Palasyo

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa kalahating bilyong piso ang hinihinging alokasyon ngayon ng Malakanyang para sa confidential and extraordinary expenses ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.

Ang naturang pondo ay nakapaloob sa 1.9 billion na Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa ilalim ng 2.8 bilyon na 2014 budget ng tanggapan ng pangulo.

Iginiit naman ni Act Party list Rep. Antonio Tinio na hindi pang-karaniwan o kakaiba ang 1/4 ng kabuuang pondo ng OP ay para sa confidential at extraordinary expenses.

Depensa naman ni Executive Sec. Paquito Ochoa  hindi na ito unusual dahil marami umanong tinatrabaho  ang tanggapan ng Pangulo kaugnay sa mga isyung pang seguridad at peace and order ng buong bansa.

Nasa ilalim umano ng OP ang Security Council, Anti-Terrorism Council, Presidential Anti-Organized Crime Task Force at Presidential Commission on Transnational Crime.

ACT PARTY

ANTI-TERRORISM COUNCIL

ANTONIO TINIO

EXECUTIVE SEC

MAINTENANCE AND OTHER OPERATING EXPENSES

OFFICE OF THE PRESIDENT

PAQUITO OCHOA

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

PRESIDENTIAL COMMISSION

SECURITY COUNCIL

TRANSNATIONAL CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with