Edsa rally ‘minaliit’ ng PNP: Walang alerto
MANILA, Philippines - Hindi pa kailangang magtaas ng alerto ang Phippine National Police sa planong Sept. 11 prayer rally sa Edsa shrine laban sa sistema ng pork barrel.
Ayon kay PNP spokesman Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, maaÂring maliit lamang ang lugar na maaapektuhan ng vigil kung kaya hindi pa kailangan anyang magtaas ng alerto dito.
Sakali mang magtaas sila ng alerto ay maaring sa isang porsyon lamang ng Epifanio delos Santos Avenue o Edsa.
Inaasahang may 500 police personnel ang nakatoka na mag-secure ng EDSA shrine habang isinasagawa ang prayer vigil na inorganisa ng grupong “EDSA Tayo.â€
Samantala, ang mga personnel na itatalaga para i-secure ang vigil ay binigyan ng instructions na tiyaking hindi mapapasok ng mga manggugulo ang aktibidad para matapos ito ng maayos.
Ang aktibidad na gagawin sa September 11 ay karugtong ng ginawang programa noong Aug. 26 sa Luneta Grandstand laban sa abolisyon ng pork barrel.
Nauna na rin pinayuhan ng organizer ng Edsa Tayo na si Junep Ocampo ang mga pulitiko na huwag nang sumama sa vigil, dahil baka matulad lang sila kay dating Chief Justice Renato Corona na na-boo sa Luneta.
Ang programa sa Edsa Tayo ay magsisimula ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-4 ng hapon upang maiwasan umano ang rush hour at hindi masyadong makaabala sa mga papasok sa trabaho. (Dagdag ulat ni Gemma Garcia)
- Latest

















