^

Bansa

NBI chief nag-impake na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumalik kahapon sa kaniyang opisina si National Bureau of Investigation (NBI) Director Nonnatus Rojas para mag-impake ng kaniyang mga gamit matapos ang kaniyang pagbibitiw.

Naging madamdamin ang muling pagharap sa media ni Rojas at nagsabing nakausap na niya si Pangulong Aquino pero buo na ang kanyang desisyon na magbitiw sa tungkulin.

Mabigat aniya sa kaniya ang desisyon subalit pinal na umano ang kaniyang pasiya at walang anumang drama.

Nakausap na rin daw niya ang lahat ng mga deputy director ng kawanihan at naunawaan naman daw nila ang kanyang desisyon.

Para naman sa mga kawani, agent at investigator ng NBI, nagpasalamat si Rojas sa ibinigay sa kanyang pagkakataon na sila ay makatrabaho.

Sa kanya umanong palagay ay napatunayan ng NBI na ito ay isang institusyon na kayang takbuhan ng publiko at naniniwala rin siyang napanumbalik ng institusyon ang imahe nito bilang premier investigative agency ng bansa.

Kaugnay nito, nagmatigas ang dalawang deputy directors ng NBI na hindi sila magbibitiw sa pwesto sa kabila ng panawagan ni Justice Secretary Leila de Lima na mas dapat silang magresign kumpara sa ginawang paghahain ng irrevocable resignation ni Rojas.

Personal na ipinaalam nina Deputy Director for Intelligence Services Reynaldo Esmeralda at Deputy Director for Special Investigation Services Ruel Lasala ang kanilang desisyon na manatili sa pwesto kay de Lima subalit hindi naman sila nagpa-interview sa media ukol sa kanilang dahilan.

Ayon kay de Lima, hindi naman niya maaring pwer­sahin ang dalawa na magbitiw, dahil ang resignation ay dapat ginagawa ng boluntaryo.

AYON

DEPUTY DIRECTOR

DIRECTOR NONNATUS ROJAS

INTELLIGENCE SERVICES REYNALDO ESMERALDA

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG AQUINO

ROJAS

SPECIAL INVESTIGATION SERVICES RUEL LASALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with