^

Bansa

9 Pinoy huli sa crackdown sa Malaysia

Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May 9 na Pinoy ang umano’y kabilang sa libu-libong dayuhan na inaresto sa kasagsagan ng isinasagawang crackdown laban sa mga undocumented foreigners sa Malaysia.

Sa report na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs (DFA), mula sa nasabing bilang ay walo ang nadakip ng Malaysian authorities sa Labuan Federal Territory habang isa ang nahuli sa Sarawak.

Inatasan na ng DFA ang Embahada ng Pili­pinas sa Kuala Lumpur na tingnan ang sitwasyon ng mga Pinoy na iniulat na dinakip.

Una nang nanawagan si Ambassador Eduardo Malaya sa mga undocumented Pinoy sa Malaysia na kumpletuhin ang kanilang mga dokumento kabilang na ang kanilang employment re­cord upang makaiwas sa anumang pag-aresto at laging dalhin ang ka­nilang identification docu­ments na kanilang ma­ipapakita sakaling maka-engkuentro ng pagsa­lakay o pagsita ng mga immigration officers.

Nagsimula ang crackdown ng Malaysian autho­ rities laban sa mga illegal foreign nationals noong Setyembre 1.

Nakipagpulong na si Malaya kay Malaysian Minister for Home Affairs Dato’ Sri Ahmad Hamidi at hiniling na bigyan ng magandang pagtrato ang mga Pinoy na maaapektuhan sa crackdown na kampanya ng Malaysia laban sa iilegal immigrants.

 

AMBASSADOR EDUARDO MALAYA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HOME AFFAIRS DATO

KUALA LUMPUR

LABUAN FEDERAL TERRITORY

MALAYSIAN MINISTER

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with