JPE, Jinggoy, Bong idiniin sa ‘pork’
MANILA, Philippines - Pinangalanan kahaÂpon sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na diumano’y naglagay ng kanilang Priority DeveÂlopment Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng non-government organizations na konektado kay Janet Lim-Napoles.
Humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona si dating National Agribusiness Corporation (Nabcor) president Alan Javellana na nagpatunay na kabilang ang tatlong senador sa naglagay ng kanilang PDAF na kilala rin sa tawag na pork barrel funds, sa Social Development Program for Farmers Foundations Inc. (SDPFFI), Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation Inc. (MAMFI), at People’s Organization for Progress and Deve lopment Foundation Inc. (POPDFI).
Ang tatlong organiÂsasyon ay kabilang sa walong NGOs na iniuugnay kay Napoles.
Ang Nabcor na isang government-owned and controlled corporation na nasa ilalim ng Department of Agriculture ang nagsilbing implementing agency na ginamit ng mga mamÂbabatas para paglagyan ng kanilang PDAF patuÂngo sa mga pekeng NGOs.
Pinangalanan din ni Javellana si Sen. Gregorio Honasan na naglagay din ng kanyang PDAF sa Nabcor pero hindi ito napunta sa NGO na konektado kay Napoles.
Lumabas din sa pagdinig na umabot sa P1.2 bilyon ang PDAF na ipinadaan ng mga mambabatas sa Nabcor habang nanunungkulan si JavelÂlana, bukod pa sa P220 milyon na inilagay naman sa isa pang GOCC na ZREC o Zinac Rubber State Corporation.
Pinaharap din sa komite si Rhodora Mendoza, dating vice president for administration and finance ng Nabcor na nagpatunay din na naglagay ng kanilang PDAF sina Enrile, Estrada at Revilla sa korporasyon.
Inamin din ni Mendoza na ilang beses niyang nakausap si Benhur Luy, ang whistle blower sa P10 bilyon pork barrel scam, dahil ito ang nagpa-follow up sa kanilang tanggapan para sa kanyang NGO na SDPFFI.
Sinabi rin ni Mendoza na ang tatlong senador ay naglagay ng pondo sa tatlong nabanggit na NGO. Karamihan anya sa mga mambabatas na naglagay ng pondo ang lumagda mismo sa endorsement letters.
Samantala, tinatarget na rin ngayon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na silipin ang mga bank accounts ng mga senador at congressmen na isinasangkot sa pork scam ni Napoles.
Ayon kay AMLC ExeÂcutive Director Atty. Julia Bacay Abad, ipi-freeze nila ang mga bank accounts ng lahat ng mapapatunayang sangkot sa money laundering activities katulad ng mga lumustay sa PDAF.
- Latest
- Trending