30 websites ng gobyerno na-hack
MANILA, Philippines - Tatlumpong government websites ang na-hack ng mga anti-pork hacktivist na tinawag na Pinoy Vendetta.
Tutol ang mga hacktivist sa sinasabi ni Pangulong Benigno Aquino III na bagong mekanismo na ipapalit sa binuwag na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa tatlumpong hacked websites – tatlo lamang ang hawak ng iGovPhil o ang bagong integrated government Philippines project ng dept of science and technology.
Aniya, ang problema ay hindi pa fully opeÂrational ang iGovPhil habang hindi pa raw naililipat sa bagong web hosting service ang iba pang website.
Wika pa ni Sec. LaÂcierda, isinasapinal pa kasi ang implementing rules and regulations o IRR ng Administrative Order No. 39 ni PaÂngulong Aquino na nag-aatas sa DOST para hawakan ang lahat ng government websites.
Samantala, siniguro din ni PCOO Sec. Sonny Coloma na iimbestigahan ng Palasyo kung sino ang nasa likod ng hacking na ito ng mga government websites.
Wika pa ni Sec. Coloma, puwede namang ilabas ang hinaing nang hindi sinisira ang websites ng gobyerno.
Ang mga hackers ay nagpakilalang Private X at ang ibig sabihin sa kanila ng PDAF ay “Pilipinas Di Aasenso Forever???.â€
- Latest