^

Bansa

PNoy may bagong ‘apple of the eye’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado ang mga Presidential sisters na sina Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino-Abellada na may bagong ‘apple of the eye” si Pangulong Aquino na nagsisilbi nitong inspirasyon.

Tumanggi naman ang magkapatid na tukuyin kung sino ang bagong inspirasyon ni PNoy na inilarawan bilang 29-year old na abugada.

Ayon kay Ballsy, natutuwa siyang makita na ins­pirado ang kanyang nag-iisang kapatid na lalake na ngayon ay 53-anyos na.

“Masaya ako if there is someone who will inspire him, someone who is intelligent enough to discuss things with him. Siyempre yung hindi naman palaging Cabinet mo yung kausap mo,” wika pa ni Ballsy sa isang panayam sa telebisyon.

Ayaw din kumpirmahin ni Pinky na ang 29-anyos na abugada ang bagong inspirasyon ni Pangulong Aquino.

Huling naugnay ang Pangulo sa TV host na si Grace Lee at 2-taong relasyon kay dating Valenzuela City Coun. Shalani Soledad.

AMINADO

AYAW

AYON

BALLSY AQUINO-CRUZ

GRACE LEE

PANGULONG AQUINO

PINKY AQUINO-ABELLADA

SHALANI SOLEDAD

VALENZUELA CITY COUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with