Humanitarian Team Albay nasa Cavite, Laguna ngayon
MANILA, Philippines - Nasa Cavite at Laguna na ngayon ang kilalang Team Albay para sa pang-9 nilang humanitarian mission na tulungan ang mga nasalanta ng malawakang baha dulot ng bagyong Maring at ng Habagat na hila nito.
Binuo ni Albay Gov. Joey Salceda noong 2009, ang Team Albay na beterano ng maraming post disaster operations sa bansa, ay kasangga tuwina ang Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol region.
Ayon kay Salceda, layunin ng Team Albay na tulu-ngan ang libu-libong mga biktima ng baha sa Cavite at Laguna na nasa mga evacuation centers. Ang team ay binubuo ng mga opisyal, duktor, nars, mga sundalo at volunteers na bihasa sa rescue at evacuation, relief at serbisyong medikal at post disaster debriefings.
Ang deployment ng Team Albay, ayon kay Salceda, ay bilang sukli din sa mga tulong na ipinagkaloob sa mga Albayano nang sila’y salantahin din ng nakaraang mga bagyo.
Dala ng Team ang water purifying equipment ng Albay Water and Sanitation (WATSAN) unit na nakaÂgagawa ng 17,500 litro ng malinis at ligtas na inuming tubig mula sa tubig baha.
Ang pinakahuling misyon ng Team Albay ay sa Compostele Valley at Davao Oriental matapos padapain ang mga ito ni super Typhoon Pablo noong nakaraang taon. Ginamit din ng DSWD ang team para sa rehabilitasyon ng dalawang lalawigan kamakailan.
- Latest