^

Bansa

Mga dam mananatiling bukas ang ilang gate

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mananatili pa ring nakabukas ang ilang gate sa ilang pangunahing dams sa Luzon dahil sa mga pag-uulan pa ring nararanasan dulot ng habagat.

Sinabi ni Richard Ordenario, hydrologist ng  Pagasa, mula kahapon ng umaga ay 2 gate ng Ipo dam sa Pangasinan ang nananatiling  nakabukas gayundin ang 2 gate ng Ambuklao at Binga dam sa Bataan dahil sa patuloy na pagtaas ng water level doon dulot pa rin ng patuloy na pag-ulan.

Ayon kay Ordenario, kung magpapatuloy ang katamtaman hanggang malakas na pag-uulan doon ay malamang na abutin anya ng 2 hanggang 3 araw na nakabukas ang gate ng naturang mga dam hangga’t hindi bumababa ang water level dito.

“Yung Ipo dam may .6 meters ang overflow, yung Ambuklao ay 2 meters ang overflow at ang Binga ay 2.5 meters ang overflow kaya patuloy ang pagpapakawala ng tubig dito,” pahayag ni Ordenario.

Iniulat din nito na patuloy ang pag-overflow ng La Mesa dam na umaabot sa 12 cm at dahil wala naman anya itong gate kaya kapag sumobra ang laman nitong tubig ay tiyak ang pag-apaw ng tubig dito na babagsak sa Tullahan River sa QC.

vuukle comment

AMBUKLAO

AYON

BINGA

INIULAT

IPO

LA MESA

ORDENARIO

RICHARD ORDENARIO

TULLAHAN RIVER

YUNG IPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with