Trabaho sa uuwing 6,000 OFWs sa Egypt, tiniyak
MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Pangulong Aquino na may naghihintay na trabaho para sa 6,000 OFWs na nakatakdang pauwiin mula sa Egypt dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon doon.
Sabi ng Pangulo, may inisyal na US$240,000 na ipinadala sa Philippine Embassy sa Cairo para sa initial na repatration ng mga OFWs na nasa 5,000 hanggang 6,000 na dapat pauwiin sa bansa.
Aniya, tulad ng nangyari noong Arab Spring sa Libay ay nasa 4,000 OFWs ang pinauwi at agad na nakakuha ng trabaho sa AG & P.
“Secretary (Rosalinda) Baldoz, I’m sure, will be preparing to assist them together with TESDA and other government entities to impart the necessary skills for reintegration. Automatic naman ‘yon for any returning OFW. Pero, dito nga, dahil nga forced, dahil nga medyo 5,000 is not an inconsequential number, I’m sure naghaÂhanda na ‘yung mga kaukulang departamento,†giit pa ng PaÂngulo.
- Latest