^

Bansa

LTO chief sisiyasatin sa ‘casino’

- Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang You Tube video na nagpapakita na nakaupo at naglalaro umano ng slot machine sa isang casino si LTO chief Virginia Torres. 

Alinsunod sa batas, bawal sa sinumang opis­yal ng gobyerno na pumasok, mag-istambay at maglaro sa casino.

Tiniyak ni DOTC Secretary Joseph Abaya na may kaparusahan sa sinumang lalabag sa batas.

Anya, masusing susuriin ang naturang vi­deo at agad na isusumite sa Malakanyang ang natu­rang report.

Kumalat sa You Tube video ang may 36-se­cond clip na pinamagatang “LTO Chief Casino Queen” na nailathala nitong August 13.

Sa kanyang panig, inamin naman ni Torres na nakapasok siya sa casino kasama ang isang kaibigan pero tumangging naglaro siya doon.

Ikinatwiran ni Torres na napadaan lamang daw siya at naupo sa isang slot machine matapos maengganyo sa mga ilaw nito sa loob ng isang casino habang hinihintay nila ang bill sa kinainan nilang restaurant sa isang hotel kasama ang isang kaibigan.

Idinagdag pa ni Torres na matagal na raw nangyari ang nasabing insidente at hindi pa raw siya LTO chief.

Siniguro naman ng Malacañang na hindi bibigyan ng “VIP treatment” ni Pangulong Aqui­no ang kanyang ‘kabarilan’ na si Torres sa sanda­ling mapatunayang luma­bag ito sa Memorandum Circular No. 8 matapos makunan ito sa isang casino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi exempted si Torres kahit na ito ay presidential appointee at sinasabing isa sa KKK ng Pangulo kung mapatunayan na luma­bag ito sa MC no. 8 na ipinalabas ng Malacañang noong 2001 na nagbabawal sa lahat ng opisyal o kawani ng pamahalaan na manatili o maglaro sa loob ng casino.

“All government personnel concerned are prohibited from entering, staying and/or playing at gambling casinos,” bahagi ng memorandum circular na mahigpit ding ipinatutupad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

vuukle comment

CASINO

CHIEF CASINO QUEEN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

ISANG

MALACA

MEMORANDUM CIRCULAR NO

SHY

YOU TUBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with