^

Bansa

Cavite, Laguna, Batangas idineklarang insurgency free

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang dekada, idineklara na kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na insurgency free ang lalawigan ng Cavite,  Laguna at Batangas.

Ito’y matapos na lumagda sa Joint Letter Directive ang PNP at AFP na inilalagay na sa maayos ang peace and order sa nasabing mga lalawigan na nasasakupan ng Southern Tagalog.

Alinsunod sa Joint Letter Directive, ayon kay PNP Public Information Office Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, pormal na isinasalin ng AFP sa PNP ang res­ponsibilidad sa nasabing mga lalawigan.

Sa tala, nasa 63 la­lawigan sa bansa ang apektado ng communist insurgency kung saan napababa na ang bilang ng mga rebelde partikular na sa Batangas na ayon sa mga opisyal ay wala ng kapabilidad ang NPA rebels na maglunsad ng matitin­ding mga pag­-atake.

Sinabi naman ni AFP Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo na hindi na itinuturing na gaanong banta sa seguridad ang NPA rebels sa tatlong nabanggit na probinsiya kaya ang law enforcement operation laban sa mga ito ay kaya na ng PNP.

Base sa security assessment ng AFP nasa 40 na lamang ang armadong puwersa ng NPA sa nasabing mga lalawigan.

Idinagdag pa ng he­neral na malaki ang naitulong ng Oplan Internal Peace Security Plan (IPSP) o Bayanihan  ng AFP, pakikipagtulungan ng mga sibilyan sa militar at pinalakas na intelligence at combat operations upang mapababa ang bilang ng mga rebeldeng komunista.

Sa kabila nito ay hindi naman ipu-pullout ng AFP ang tropa ng mga sundalo sa nasabing lugar na mananatiling aalalay sa PNP at magkakaroon lamang ng ‘realignment of forces’.

AFP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATANGAS

CAESAR RONNIE ORDOYO

JOINT LETTER DIRECTIVE

OPLAN INTERNAL PEACE SECURITY PLAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with