Pulis na tumanggi sa P3M suhol pinarangalan
MANILA, Philippines - Isang pulis na tumangging tumanggap ng P3 milÂyong suhol mula sa nasakoteng lider ng Dominguez carjacking syndicate noong May 2012 ang pinarangalan sa ika-112 anibersaryo ng Police Service ng PNP sa Camp Crame kahapon.
Kinilala ang magiting at tapat sa serbisyong maraÂngal na si PO2 Webster Liwag, kasapi ng Malolos City Police Station na nakahuli kay Ryan Dominguez, isa sa mga lider ng Domingues carjacking syndicate sa operasyon noong Mayo 8, 2012 sa Bulacan.
Si Dominguez ay kapatid ni Raymond Dominguez na nasa likod ng carjacking operation sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Nasamsam rin mula kay Ryan at tatlo nitong kasamahang karnaper ang dalawang M16 rifles, dalawang handguns, isang hand grenade, tatlong nakaw na behikulo at hindi pa mabatid na halaga ng salapi.
Dalawa naman sa narekober na mga armas ay nag-match sa ginamit sa pagpatay sa kasamahan ng mga ito sa sindikato na si Alfred Mendiola, naging state witness na natagpuang pinaslang sa Dasmariñas City, Cavite.
- Latest