^

Bansa

Kabacan, isinailalim sa state of calamity

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTA­BATO, Philippines -- Isinailalim na sa state of cala­mity ang bayan ng Kabacan, North Cotabato matapos manalasa ang tubig-baha dulot ng patuloy na ulan nitong nakalipas na mga araw.

Idineklara ang state of calamity sa nabanggit na bayan batay na rin sa rekomendasyon ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Ayon kay Vice Mayor Myra Dulay Bade, anim na barangay ang lubog sa tubig-baha kaya apek­tado ang 300 ektaryang palayan dahil sa pag-apaw ng ilog ng Rio Grande de Mindanao.

Kabilang sa mga binaha ay ang mga Barangay Cuyapon, Kilagasan, Bangilan, Malamote, Lower at an gang Barangay Upper Paatan.

Aabot sa 500 magsasaka ang naapek­tuhan ng pagbaha at nakatakdang bigyan ng binhi ng municipal agriculture office. 

Umaabot naman sa 30% ng disaster emergency funding gagamitin upang matulungan ang mga apektadong pamilya biktima.

Magugunita na una nang nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Tulunan matapos lumubog sa tubig-baha noong Hulyo 25, 2013 kung saan marami ang nagsilikas.

Tinatayang aabot sa P1 milyon halaga ng ari-arian ang napinsala kung saan naapektuhan ang 500 magsasaka mula sa 20 barangay.

AABOT

AYON

BANGILAN

BARANGAY CUYAPON

BARANGAY UPPER PAATAN

MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

NORTH COTABATO

RIO GRANDE

VICE MAYOR MYRA DULAY BADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with