Ulat panahon
MANILA, Philippines - Ang Cagayan Valley, mga Rehiyon ng Cordillera at Ilocos, mga Lalawigan ng Aurora, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija ay makakaranas ng masungit na panahon na may maalon hanggang sa napakaalong karagatan. Ang Batanes, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Northern Quezon kasama ang Polillo Island, Laguna, Cavite at Metro Manila ay makakaroon ng mga pag-ulan na may pagbugso ng hangin na may katamtaman hanggang sa maalong karagatan. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging maulap na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa natitirang bahagi ng bansa at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang araw ay sisikat 5:42 ng umaga at lulubog dakong 6:20 ng gabi.
- Latest