^

Bansa

Deployment ban sa Iraq, sinisilip

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine Overseas Employment Admi­nistration (POEA) na hindi sila mangingiming magpatupad muli ng deployment ban sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iraq, kasunod na rin nang lumalala na namang tensiyon doon.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, hinihintay lamang nila ang abiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) para na rin maprotektahan ang mga OFW.

Ang pahayag ay ginawa ni Cacdac kasunod nang magkakasunod na car bombing sa Baghdad nitong weekend kung saan 57 katao ang namatay habang 150 ang sugatan.

Nauna rito, nitong Hulyo ay naglabas ng resolusyon ang POEA Governing Board na nagpapahintulot na makapag-deploy ng mga pabalik at bagong hire na OFW sa Iraq, maliban sa mga Household Service Workers (HSWs) matapos na ibaba ng DFA ang alerto sa level 1 mula sa level 3.

Gayunman, umiiral pa rin naman ang deployment ban sa mga “no-go” zones sa ilang lalawigan ng Iraq gaya ng Anbar Province, Ninewah/Nineveh Province, Kirkuk Province (a.k.a. Tamim; Al Tamim; At-Tamim), at Salahuddin/Salahaddin Province.

 

ADMINISTRATOR HANS LEO CACDAC

AL TAMIM

ANBAR PROVINCE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GOVERNING BOARD

HOUSEHOLD SERVICE WORKERS

KIRKUK PROVINCE

NINEVEH PROVINCE

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with