^

Bansa

Teachers pumalag sa Comelec

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang mga sinabi ni Comelec Commissioner Sixto Brilliantes, tungkol sa matatanggap na kompensasyon ng mga guro na magsisilbing board of election inspectors (BEIs) at support staff ngayong Oktubre sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Base sa Comelec Re­solution 9751, P2,500 ang itinakdang kompensasyon at may karagdagang P500 kung kasama ang SK, kaya ang makukuha ng mga guro dito ay P3,000.

“Hindi ito katanggap-tanggap sa aming mga guro, malinaw na pambabarat ang ginagawa ng Comelec dahil maliit ang kanilang inaalok kumpara sa aming hiling na dagdag kompensasyon. Sadyang mahirap magsilbi sa hala­lang pambarangay, bukod sa manual ang counting ng boto ay nakararanas pa ng matinding kaguluhan dahil agresibo ang mga lokal na kandidato na manalo at la­ging naiipit ang mga guro sa bahaging ito,” pahayag ni ACT Chairperson Benjamin Valbuena.

Sabi ni Valbuena, noong nakaraang eleksyon P4,000 na ang natatanggap ng mga guro sa kabila ng kanilang panawagan na itaas ito sa P6,000. Ang P3,000 bayad sa guro para sa barangay elections ay pagmamaliit sa sakripisyo ng mga guro tuwing election. Isa pang isyu umano ang seguridad at legal na proteksyon ng mga guro dahil may mga ilang pagkakataon na sinasampahan sila ng kaso ng mga talunang kandidato.

“Nakalulungkot  na tuwing halalan, kaming mga guro na inaasahan ng Co­me­lec sa pagpapatakbo ng election, ay pinapabayaan naman sa usapin ng kompensasyon at usaping legal. Sa maraming pagkakataon, walang tulong legal ang Comelec sa mga gurong nakakasuhan at minsan pa ay nagiging complainant pa laban sa mga guro,” ayon kay Valbuena.

Iginiit din ni Valbuena na nananatili pa rin ang kanilang paninindigan na gawing voluntary ang pagse-serve ng mga guro sa halalan. Sinusuportahan nila ang House Bill 444 ng ACT Teachers Party-list na naglalayong gawing boluntaryo ang pagseserbisyo sa election ng mga pampublikong guro. 

 

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

CHAIRPERSON BENJAMIN VALBUENA

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER SIXTO BRILLIANTES

GURO

HOUSE BILL

SANGGUNIANG KABATAAN

VALBUENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with