^

Bansa

Oil spill sa Cavite, 4 bayan apektado

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na baybaying bayan sa lalawigan ng Cavite ang apektado ng masangsang na amoy dulot ng oil spill na peligroso sa kalusugan ng mga residente.

Sa ulat na nakara­ting kahapon sa Office of Civil Defense, kabilang sa mga naapektuhan ng oil spill umpisa pa noong Huwebes ang mga baybaying bayan ng Rosario, Naic, Tanza at Ternate.

Kahapon ay idineklara na ni Rosario Mayor Jose”Nonong “Ricafren­te ang state of calamity sa kanilang bayan bunga ng matinding epekto ng oil spill na nakaapekto sa kabuhayan ng mga mangi­ngisdang residente dito.

Maging mga yamang dagat tulad ng mga isda, halaan, alimasag, tahong at iba pa ay hindi na rin maibenta dahil amoy diesel.

“Humigit kulang 20 km by 15 km ang lawak sa dalampasigan ng Rosario at Naic, hanggang gitna ng laot papuntang Corregidor.... Nagpapatunay ito na makapal ang dagat ng langis,” ayon sa report ng Philippine Coast Guard na ipinarating sa OCD.

“The samples taken of oil spill from shoreline sea is identical with the diesel fuel taken onboard Mt. Makisig  while awaiting laboratory result of the sample from the Petron terminal,” ayon pa sa ulat.

Sa pahayag ni PCG Marine Environmental Protection Command Chief Commodore Joel Garcia, sasampahan nila ng kaso ang Petron at ang Herna Shipping Transport Corp., may-ari ng M/T Makisig oil tanker kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9275 na nagpaparusa sa oil spill na panganib sa mga tao at maging sa yamang dagat.

Nabatid na mahigit 500,000 litro ng langis ang tumagas sa karagatan na nakaapekto sa nabanggit na mga bayan sa lalawigan.

Bukod dito, ay karagdagang kasong obstruction of justice nang hindi pahintulutan ang kanilang mga divers na makakuha ng sample ng tumagas na langis mula sa mga pag-aari nitong pasilidad para ikumpara sa sample na nakuha sa dagat.

Sa panig naman ng Petron Corp. na ipinoste sa kanilang facebook page, itinuro nito na ang oil spill ay posibleng galing sa M/T Makisig, ang kanilang contractor, matapos itong magdiskarga ng langis sa Rosario Terminal sa Cavite.

Sinuri na rin umano ang kanilang mga pipeline para sa posibleng tagas pero negatibo ito sa anumang oil spill.

“To ensure safety and product integrity, we always conduct pressure tests for all our pipelines before we receive any fuel product. This is part of Petron’s standard operating procedures,” dagdag pa nito.

Sinabi rin nito sa kani­lang pahayag na hindi naman umano mapanga­nib sa kalikasan at sa lokal na komunidad ang diesel dahil sa “persistent oil” umano ito at agad na mawawala. 

Sa kabila nito, nagpa­dala na umano sila ng tauhan at kagamitan para ma-contain ang langis at marekober ito sa dagat habang nagsasagawa pa ng patuloy na imbestigasyon.

 

vuukle comment

CAVITE

HERNA SHIPPING TRANSPORT CORP

MARINE ENVIRONMENTAL PROTECTION COMMAND CHIEF COMMODORE JOEL GARCIA

MT. MAKISIG

NAIC

OIL

PETRON

T MAKISIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with