1-week leave sa kaanak na may sakit
MANILA, Philippines - Upang maalagaan ang mga kamag-anak na nagkakasakit, isinulong ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang panukalang “Family Leave Act†kung saan papayagan ang isang empleyado na maka-absent sa loob ng isang linggo sa loob ng isang taon.
Sa Senate Bill No. 402 na inihain ni Santiago, sinabi nito na mahalaga sa paglago ng isang pamilÂya ang pag-aalaga ng mga miyembro sa mga kamag-anak nilang nagkakasakit.
Ipinunto ni Santiago na dahil sa nararanasang krisis sa ekonomiya mas pinipili pa ng mga empleÂyado na pumasok sa trabaho kahit pa kinakailaÂngan nilang mag-alaga ng kanilang kamag-anak na nagkakasakit katulad ng asawa, anak, o magulang.
Sa panukala ni Santiago, nais nitong garantiyahan na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyadong umaabsent dahil sa pag-aalaga ng miyembro ng kanilang pamilya na nagkakaroon ng seryosong problema sa kalusugan.
Kapag naging ganap na batas, kinakailangan lamang na magpakita ng medical certificate ang isang empleyado na nagpapatunay na may sakit ang isa nilang malapit na kamag-anak at kinakailaÂngang alagaan niya ito.
- Latest






















