BRP Ramon Alcaraz nasa Subic Bay na
MANILA, Philippines - Nakahimpil na sa daungan ng Subic Bay, Zambales ang BRP Ramon Alcaraz (PF-16), ang Hamilton-class cutter.
Ayon sa Philippine Navy, ang BRP Ramon Alcaraz na ngayon ay nakadaong sa Subic Bay ay isasailalim sa quarantine, immigration at customs procedures.
Sabi ni Navy spokesperson Lt. Cmdr. Gregory Fabic, kasama sa naturang barko ang mga crew na kinabibilangan ng 14 officers sa pamumuno ni Capt. Ernesto Baldovino at 74 enlisted personnel.
“For now, our crew has high morale after arriving in the Philippines after nearly two months at sea,†dagdag ni Fabic.
Ang BRP Alcaraz ay pormal na ipakikilala sa Martes sa isang seremonya na pangungunahan ni Pangulong Aquino.
- Latest