^

Bansa

Mga bata magpa-eye exam - DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang lahat ng batang 12 taong gulang pataas na sumailalim sa eye exa­mination upang makaiwas sa pagkabulag at iba pang problema sa paningin.

Sinabi ito ni Health Secretary Enrique Ona kasabay na rin nang paggunita sa ‘Sight Saving Month’ ngayong Agosto na may temang “Alagaan Ang Mata Mula Bata Hanggang Pagtanda”.

Sinabi ni Ona na mahalagang mapanatili ang maayos na paningin ng bawat mamamayan dahil ito’y pangunahing karapatan ng lahat nang walang diskriminasyon sa edad, kasarian, relihiyon, lahi at katayuan sa lipunan.

Sa report ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 2012, tinatayang 285 milyong katao sa buong mundo ang visually impaired, kabilang ang 39 milyon na bulag at 246 milyon na mahina ang paningin.

Sa lahat ng visual impairment, 80% ang maiiwasan sana o malulunasan, kabilang na ang avoidable at treatable conditions tulad ng cataract, error of refraction at childhood blindness.

Sa Pilipinas, aabot sa 569,072 ang bilaterally blind, at 62.1% sa mga ito ang dahil sa katarata, 10.3% dahil sa uncorrected refractive errors, 8% sa glaucoma, at 4% ang dulot ng retinopathies.

Ang kasalukuyang bilang ng mga Pinoy na may low vision ay nasa 1,962,317.

Sinabi naman ng WHO na ang avoi­da­ble blindness at visual impairment ay isang seryosong global health issue na layunin nilang tuluyang ma-eli­minate hanggang sa taong 2020.

 

vuukle comment

AGOSTO

ALAGAAN ANG MATA MULA BATA HANGGANG PAGTANDA

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

HINIKAYAT

SA PILIPINAS

SIGHT SAVING MONTH

SINABI

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with