^

Bansa

2 Pinay huli sa 14k shabu sa HK!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang Pilipino ang nahaharap na naman sa parusang bitay matapos na mahulihan ng may mahigit 14 kilo ng illegal drugs sa Hong Kong noong Linggo.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakaaresto sa dalawang Pinay na nagkaka-edad ng 27 at 31.

Tumanggi si Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na pangalanan ang dalawa subalit tiniyak nito na mabibigyan sila ng gobyerno ng assistance.

Sa ulat, sinampahan na ng kasong drug trafficking ang dalawang Pinay makaraang makuha sa kanilang posesyon ang 14.5 kilo ng shabu na tinatayang may market value na $1.4 milyon.

Nabatid na inaresto ang dalawang Pinay sa Chek Lap Kok Airport  matapos na madiskubre ang nasabing droga sa kanilang mga bagahe noong Hulyo 28. 

Ang pagdinig sa kasong drug smuggling laban sa dalawa ay itinakda ng korte sa darating na Oktubre.

CHEK LAP KOK AIRPORT

DALAWANG PILIPINO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HONG KONG

HULYO

KINUMPIRMA

LINGGO

NABATID

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with