^

Bansa

Deployment ban sa Iraq inalis na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maari nang tumanggap ng bagong mga mang­gagawa sa Iraq.

Ito’y matapos na bawiin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ban para sa mga new hire workers. 

Sa ilalim ng POEA Resolution No. 8-2013, iniutos ng POEA Governing Board ang muling pagproseso at pagpapadala ng mga baguhang Pilipinong manggagawa sa Iraq maliban sa mga lugar sa nasabing bansa na tinukoy bilang ‘no-go’ zone. 

Hindi rin sakop ng resolusyon ang mga household service worker. 

Kabilang naman sa mga tinukoy na ‘no-go’ zones kung saan hindi papayagan na makapagtrabaho ang mga Pilipino ay ang: Anbar Province; Ninewah o Nineveh Pro­vince; Kirkuk Province na kilala rin sa tawag na Tamim, Al Tamin at At-Tamin at Salahuddin o Salahaddin Province.

Nuong Marso, una nang binawi ng POEA ang deployment ban sa Iraq para sa mga returning OFWs maliban sa mga lugar na kasama sa ‘no-go’ zones. 

Ang pinakahuling resolusyon ng POEA ay ipinalabas bunsod umano ng pagbalik sa normal ng lagay ng seguridad sa Iraq, bukod pa sa may mataas na demand para sa mga OFW sa nasabing bansa. 

Matatandaan na ­no­ong 2007, sinuspinde ng POEA ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Iraq dahil sa magulong sitwasyon ng seguridad duon.

AL TAMIN

ANBAR PROVINCE

GOVERNING BOARD

KIRKUK PROVINCE

NINEVEH PRO

NUONG MARSO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with