^

Bansa

Visa-free entry sa mga turistang patungo ng Pinas, 30-araw na

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang lalong dadagsain ng mga turista ang Pilipinas matapos na palawigin ng pamahalaan ang visa-free privilege ng kanilang pananatili na aabutin na ng hanggang isang buwan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), simula sa Agosto 1, 2013 ay magiging 30-araw na ang ibibigay para sa mga dayuhan o turista mula sa 151 bansa na may “visa-free privilege stay” sa Pilipinas mula sa dating 21-araw na pananatili.

Ang nasabing inisyatiba ay produkto ng pakikipag-koordinasyon ng inter-agency mula sa DFA, Department of Tourism (DOT), Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay naglalayong mabigyan ng maayos at sapat na panahon sa pagpasok at pananatili ng mga foreign nationals na nagpaplanong bumisita at mamasyal sa mga magagandang tanawin at mag-explore sa Pilipinas bilang investment destination.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Jaime Victor Leda ng Office of Consular Affairs, ang aksyon ng gobyerno ay lalong manghihimok sa mga turista at investors na bumisita at manatili sa Pilipinas at hindi na sila magre-report sa BI para lamang hilingin na mapalawig ang kanilang pananatili ng hanggang isang buwan.

Sinabi ni Leda, ang mga dayuhang kuwalipikado mula sa 151 bansa na may visa-free privilege ay kailangan lamang na ipakita ang kanilang national passport na balido ng may anim na buwan at ticket.

Ang listahan ng mga bansa na may visa-free privilege ay matatagpuan sa DFA website sa www.dfa.gov.ph.

Ang Brazil at Israel ay ma­nanatili naman ang ibinibigay na 59-araw na visa-free entry alinsunod na rin sa kanilang umiiral na bilateral agreements sa pagitan ng Pilipinas.

ANG BRAZIL

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF TOURISM

FOREIGN AFFAIRS ASSISTANT SECRETARY JAIME VICTOR LEDA

NATIONAL INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with