P125 Wage hike bill, aprubahan na! – KMU
MANILA, Philippines - Dahil nasimulan na ang regular na sesyon ng 16th Congress, iginiit kahapon ng militanteng grupo ng manggagawa na Kilusang Mayo Uno (KMU) na iprioridad ang agarang pag apruba sa P125 wage hike bill.
Ayon sa KMU, mahalagang mabigyang daan ang agarang pagpasa sa naturang bill dahil ito lamang anila ang sagot sa kasalukuyang kahirapan ng maliliit na mamamayan sa bansa.
Binigyang diin ni Roger Soluta, secretary general ng KMU, hindi na dapat magpatumpik tumpik pa ang mga mambabatas sa pag apruba sa wage hike bill dahilan sa matagal na itong iniisnab para maaksiyonan.
Anya, ang panukala para sa P125 across-the-board wage hike nationwide ay naisampa noon pang taong 2001 at ang panukalang nabanggit ay muling nai-file ngayong 16th Congress para muling mabigyang daan na maaprubahan ng Kongreso.
“The country’s regional wage boards should be abolished for refusing to grant a significant wage hike and intensifying hunger and poverty among workers. It’s Congress and the Senate which should respond to calls for a wage hike,†pahayag pa ni Soluta.
Nananawagan din si Soluta sa mga mambabatas na huwag padidikta sa Malakanyang bagkus ay unahin ang kapakanan ng maliliit na mamamayan na makaaÂngat sa kahirapan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng wage hike.
- Latest