^

Bansa

5 Major na Komite sa Senado ibibigay sa minorya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senate President Franklin Drilon na aalukin nila ng limang mahahalagang ko­mite ang minorya na pinamumunuan ngayon ni Se­nator Juan Ponce Enrile.

Ang limang komite ay ang Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Deve­lopment, Economic Affairs, Agrarian Reform, Social Justice, Welfare, at Rural Development.

Sinabi ni Drilon na inatasan na niya si Majority Leader Alan Peter Cayetano na iparating sa mino­rity bloc ang alok para sa limang committee chairmanship.

Idinagdag ni Drilon na noong nakaraang 15th Congress ang mga nasabing limang komite ay pinamumunuan ng mga senador na kabilang sa majority bloc.

Ayon pa kay Drilon, ipapaubaya na niya sa mi­ norya na may anim na miyembro kung papaano ipa­ ma­mahagi ang limang komite at kung tatanggapin nila ito o hindi.

Bukod kay Enrile ang mga miyembro ng minorya sa Senado ay sina Senators Gringo Honasan, Jose “Jinggoy” Estrada, Vicente Sotto III, Nancy Binay, at JV Ejercito.

AGRARIAN REFORM

DRILON

ECONOMIC AFFAIRS

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVE

JUAN PONCE ENRILE

MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

NANCY BINAY

RURAL DEVELOPMENT

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with