Albay at Greenpeace nagkasundo sa Ocean drive
MANILA, Philippines - Nagkasundo ang Albay at ang Global environment protection advocate na Greenpeace na magkatulong nilang itataguyod at isusulong ang Oceans Campaign ng huli na naglalayong mapangalagaan ang karagatan laban sa tuluyang pagkasira nito.
Nauna rito, hiniling ni Vince Cinches, Oceans Campaigner for Southeast Asia Philippines ang tulong ni Albay Gov. Joey Salceda na suportahan ang Greenpeace Oceans Campaign sa Bicol kung saan nananatiling talamak ang iligal na pangingisda.
Tinanggap ni Salceda ang kahilingan dahil, ayon sa kanya, ang mga programa ng Albay at Greenpeace ay magkakatugma at malaki ang positibong epekto nito kung magkatulong silang isusulong ang mga iyon.
Layunin ng “Oceans campaign†na ilantad ang patuloy ng pagkasira ng “marine ecosystems†at ang unti-unting paglaho ng mga isda sa mga dagat para maihanap ng lunas ang mga suliraning ito.
- Latest