^

Bansa

Concrete barrier, container vans ihaharang vs ralista

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Haharangan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga concrete barrier at container vans ang ilang bahagi ng Commonwealth Avenue nga­yong araw upang hadlangan ang mga militanteng grupo sa pagsasagawa ng demonstrasyon at pagsugod sa Batasan Pambansa.

Sa traffic advisory na inilabas kahapon ng MMDA para sa SONA ni Pangulo Aquino, isasara ang northbound at southbound lane ng Commonwealth Avenue mula Quezon Memorial Circle/Philcoa hanggang Fairview Center Mall, bukod sa dalawang leftmost lanes sa northbound. Maglalagay sila ng container vans at concrete barriers sa harap ng St. Peter Parish at Convergy’s Bldg. laban sa mga demonstrador.

Alas-5:00 ng madaling araw, magsisimula ang rerouting mula sa UTS sa harap ng JocFer Bldg. at OMNI Tire Supply sa southbound lane hanggang San Simon UTS (counter flow). Maaaring gamitin ng mga motorista ang apat na linya sa southbound patungo sa northbound o Fairview via reverse flow o pasalubong.

Magiging normal ang takbo ng trapiko sa siyam na linya ng Commonwealth paglampas ng San Simon UTS para sa mga motoristang pa-northbound o Fairview.

Alas-12:00 ng tanghali, magiging one-way traffic ang IBP Road patungo sa House of Representatives. Bubuksan ito para sa mga sasakyang manggagaling sa Commonwealth, Filinvest 1, Sinagtala, San Mateo Road, Filinvest 2 patungo sa HOR, Fairview at Commonwealth Ave. (pa-kanan). Ang kabilang direksyon naman patungo sa Sandiganbayan underpass at Commonwealth Ave. ay bubuksan lamang para sa mga sasakyang magmumula sa Kongreso hanggang matapos ang SONA.

Magbabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Ave. at IBP/Batasan Road pagsapit ng alas-6:00 Lunes ng gabi.

BATASAN PAMBANSA

BATASAN ROAD

COMMONWEALTH

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

FAIRVIEW

FAIRVIEW CENTER MALL

FILINVEST

HOUSE OF REPRESENTATIVES

SAN SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with