^

Bansa

IRA scam sa N. Ecija ibinisto

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinulgar ni outgoing Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino at anak nitong si incoming Nueva Ecija Rep. Magnolia Antonino-Nadres ang umano’y Internal Re­venue Allotment (IRA) scam kung saan sangkot ang dalawang dating alkalde.

Ayon sa mag-amang Antonio, natuklasan nila sa pamamagitan ng Commission on Audit (COA) annual audit report na may IRA scam partikular sa San Leo­nardo­, Nueva Ecija na umabot sa humigit kumulang P50 mil­yon at munisipalidad ng San Antonio na na P90 mil­yon. Hindi umano malinaw kung saan napunta ang pondo at walang mga dokumento na susuporta kung nagamit nga ba sa mga proyekto ang nasabing pondo. Inilaan umano ang nasabing mga halaga sa mga proyekyo ng mga bogus NGOs na  Countrywide Agri and Rural Development na P70 milyon, Ginintuan Alay Magsasaka Foundation P70 milyon at Kaupdanan Ma­ngunguma Foundation Inc. (KPMFI) na may 20M.

Ang nasabing NGOs umano ay walang mga resibo mula sa BIR vouchers at iba pang kaukulang dokumento upang ma-reimburse ito sa LGUs. Ang nasabing mga transaksyon umano ay nangyari sa pagitan ng Mayo at Disyembre 2012.

COUNTRYWIDE AGRI AND RURAL DEVELOPMENT

FOUNDATION INC

GININTUAN ALAY MAGSASAKA FOUNDATION

INTERNAL RE

KAUPDANAN MA

MAGNOLIA ANTONINO-NADRES

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with