^

Bansa

Magandang ekonomiya ipinagyabang ng Pangulo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagyabang kaha­pon ni Pangulong Benigno Aquino III ang ma­gandang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato kung saan ay nakapagtala ito ng 7.8 percent  economic growth at ang inaasa­hang pagdagsa ng tu­rista mula sa Europe.

Ginawa ni Pangulong Aquino ang pahayag na ito sa harap ng bumibisitang 8th ambassadors, consul-general at tourism­ director’s tour dele­gate sa Malacañang.

Sinabi pa ng Pangulo sa mga delegado, kulang man siya sa tulog dahil sa mahabang pulong nito kamakalawa sa pagtalakay sa proposed 2014 budget gayundin ang pagbusisi sa bawat item nito bago isumite sa Kongreso sa mismong ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nito sa joint session ng Kamara at Senado sa July 22, ay malugod niyang tinatanggap ang mga delegado sa pagbisita sa Pilipinas.

Winika pa ng Pa­ngulo sa mga delegado, maraming tourism destination ang Pilipinas na dapat bisitahin ng mga turista matapos na kila­lanin sa 2013 report ng World Economic Forum Travel and Tourism Competitiveness Index na number 1 ang Pilipinas sa tamang paggastos sa larangan ng turismo.

“We identified tourism­ as a low-lying fruit that needed to be picked; from day one, we have worked to grow tourism in the Philippines to the industry that it could become,” dagdag pa ni PNoy.

Ikinatuwa din ng chief executive ang pagpayag ng European Union (EU) na muling makalipad sa Europe ang Philippine Air Lines matapos nilang alisin ang ban dito.

Hinamon din ng Pa­ngulo ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magsumikap upang maalis sa category 2 ng Federal Aviation Authority (FAA) ng Estados Unidos.

“I am pleased to announce that they have made stunning progress. It began back in March with the International Civil Aviation Organization lifting the Significant Safety Concerns that they had previously identified in our country. This led to the very good news we received just yesterday: that the Air Safety Committee of the European Commission has allowed our flag carrier—Philippine Airlines—to resume direct flights to Europe,” sabi pa ni Pangulong Aquino.

AIR SAFETY COMMITTEE OF THE EUROPEAN COMMISSION

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

ESTADOS UNIDOS

EUROPEAN UNION

FEDERAL AVIATION AUTHORITY

INTERNATIONAL CIVIL AVIATION ORGANIZATION

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with