^

Bansa

Cha-cha via Con-con binuhay muli

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuhay muli ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang kanyang panukala na amyendahan ang Kons­titusyon partikular ang economic provisions at political reforms sa pamamagitan ng Cons­titutional Convention (Con-con).

Sa ilalim ng House Bill 1343 na inihain ni Rep. Rodriguez ang pag­bubukas sa mga dayuhan sa exploration at paggamit ng likas na yaman gayundin ang investment sa lahat ng public utilities, educational institutions, mass media at adverti­sing areas­.

Ang pagmamay-ari ng lupa naman ng mga dayuhan ay pahihintulutan kapag nakumpleto na ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa ilalim ng comprehensive agrarian reform program.

Partikular namang aamyendahan sa poli­tical provisions ng Kons­titusyon na mula sa Presidential ay magi­ging Parliamentary na ang form of government ng bansa at mula sa Unitary system ng pamahalaan ay gagawin ng Federal System kung saan mahahati ang kapangyarihan ng National Government sa mga estado o local government.

Bukod dito mula sa bicameral kung saan magkatuwang ang Kongreso at Senado ay ga­gawin na itong unica­meral o iisa na lamang ang kapulungan para sa lehislayon.

Inaamyendahan din ng nasabing panukala ang termino ng mga miyembro sa Parliament government sa apat na taon at pagtatanggal ng term limits.

Naniniwala si Rodriguez na ang Con-Con ang pinakademokrati­kong paraan at pinakatransparent na paraan ng pagbabago ng Saligang batas.

Matatandaan na na­ngako si House Speaker­ Sonny Belmonte at Ma­jority Floor Leader Nep­tali Gonzales II na hindi susuportahan ang anumang political reforms kundi ang econo­ mic provision lamang.

FEDERAL SYSTEM

FLOOR LEADER NEP

HOUSE BILL

HOUSE SPEAKER

NATIONAL GOVERNMENT

ORO CITY REP

RUFUS RODRIGUEZ

SHY

SONNY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with