^

Bansa

Phl Consulate sinisi sa pagkasawi ng 1-anyos

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinisisi ng grupong Migrante ang mga opisyal ng Philippine Consulate sa Jeddah sa pagkasawi ng 1-anyos dahil sa umano’y kapabayaan.

Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East at North Africa, ang sanggol ay ikatlo na sa mga Pinoy na nasawi mula sa tinaguriang “Tent City” sa Phl Consulate sa Jeddah matapos na humingi ng tulong para sa temporary shelter.

Sa kanilang impormasyon, umalis umano ang bata at kanyang ina sa shelter matapos na hindi mabigyan ng kaukulang tulong medikal.

Unang nasawi ang OFW na si Eliseo Araneta, tubong Calamba, Laguna noong Abril 18 dahil sa kumplikasyon ng renal failure at sumunod ang isa pang stranded OFW na si Danilo Grefadilyo, 60, tubong Sorsogon na namatay sa kumplikasyon sa ulcer.

Ang dalawa ay kapwa umano humingi ng tulong sa Konsulado upang makauwi sa Pilipinas. Nanatili pa umano ang mga ito ng ilang araw sa shelter pero nang makitang hindi sila nabibigyan ng tamang atensyong medikal at pangangalaga ay napilitang umalis doon.

Sa kabila nito, nilinaw ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na namatay ang 1-anyos bata sa ospital at hindi sa loob ng shelter. Isinugod daw ang bata ng Phl Consulate personnel sa ospital matapos mahirapang huminga at idineklarang patay dahil sa cardiac arrest.

DANILO GREFADILYO

ELISEO ARANETA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

JEDDAH

JOHN LEONARD MONTERONA

MIGRANTE MIDDLE EAST

NORTH AFRICA

PHILIPPINE CONSULATE

PHL CONSULATE

TENT CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with