Pinay na-cremate na sa China
MANILA, Philippines - Na-cremate na ang mga labi ng Pinay na biÂnitay noong Miyerkules ng umaga sa China.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul HerÂÂÂnandez, nasa China pa ang mga labi ng 35-anyos na binitay taliwas sa lumabas na report na naisama na ng kanyang ina at kapatid sa kanilang pag-uwi sa bansa kamakalawa ng gabi mula Shanghai.
Ayon kay Hernandez, pinoproseso pa ang re patriation ng mga abo at hindi pa masabi kung hanggang kailan ito maÂiuuwi sa bansa.
Nagtungo sa China ang ina at kapatid ng Pinay noong Linggo upang personal na madalaw at makausap ang huli bago siya bitayin. NaÂbitay noong Miyerkules ng umaga ang kanilang kaanak at umuwi din sila sa bansa dakong alas-8 ng gabi ng nasabi ring araw lulan ng Philippine Airlines flight PR-337 mula Shanghai.
Ang nasabing Pinay ay in-execute dahil sa pagpupuslit ng may 6.198 kilong heroin nang masabat sa Hangzhou InterÂnational Airport noong Enero 25, 2011 kasama ang kanyang 27-anyos na pinsang lalaki na may dala ring 6.171 kilong heÂroin na pinatawan ng death penalty pero may 2-years reprieve.
- Latest