^

Bansa

Kaso ng Pinay drug mule dapat magsilbing aral

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat ng matuto at magsilbing aral sa mga Filipino na nagnanais na maging drug courier kapalit ng mala­king halaga ng salapi ang pinakahuling kaso ng Pinay na binitay sa China.

Ayon kay acting Senate President Jinggoy Estrada, ikinalungkot niya ang balita na isa na namang Pinay ang nabitay dahil sa pagbibitbit ng ilegal na droga subalit dapat umanong magsilbing babala ang kaso ng mga binibitay na Filipino sa China lalo pa’t ilang beses na itong nangyari.

Dapat na rin aniyang pagbawalang makapasok sa bansa ang mga dayuhang sindikato na nambibiktima ng ating mga kababayan.

Maging si Sen. Tito Sotto na unang nagsabi na hindi dapat tinutulungan ng gobyerno ang mga drug mule ay nalungkot sa balita na nabitay na ang hindi pinangalanang Pinay.

Pero dapat aniyang irespeto ang batas ng China kung saan bitay ang parusa laban sa mga drug courier.

Iginiit pa ni Sotto na kung isang overseas Filipino worker ang napatawan ng bitay dapat itong tulungan ng gobyerno pero kung hindi naman OFW at isang drug mule ay dapat maging hands off dito ang pamahalaan.

AYON

DAPAT

IGINIIT

PERO

PINAY

SENATE PRESIDENT JINGGOY ESTRADA

SOTTO

TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with