^

Bansa

Baril bawal na sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maging ang mga kongresista ay hindi  na maaa­ring makapagdala pa ng mga baril at anumang armas sa loob ng Batasan Complex sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Marilyn Barua-Yap, secretary gene­ral ng Kamara, hindi na nila papayagang makapasok ang mga baril ng mga bodyguard at maging ng mga kongresista.

Giit ni Yap, mayroon tala­ga silang polisiya na bawal ang pagdadala ng baril sa loob ng Batasan Complex at maaaring iwanan ang kanilang mga armas sa Legislative security bureau.

Subalit ayon naman kay Deputy Majority leader Rodolfo Farinas na isa sa nag-draft ng House Rules, walang nakalagay dito na bawal magdala ng baril ang mga kongresista sa loob ng Batasan Complex.

Nilinaw ni Farinas na ang ipinagbabawal sa mga kongresista ay ang pagdadala ng baril sa loob lamang ng plenaryo.

Giit pa ni Yap, mas magiging mahigpit na ngayon ang seguridad sa Batasan kung saan lahat ng mga papasok ay iinspeksyunin ang dalang gamit sa pamamagitan ng metal detector at x-ray machines.

Ang hakbang ay upang maiwasan na umanong maulit pa ang nangyari kay dating Cagayan de Oro Rep. Benjo Benaldo na nagbaril sa loob ng kanyang tanggapan noong nakaraang linggo.

BATASAN COMPLEX

BENJO BENALDO

DEPUTY MAJORITY

GIIT

HOUSE RULES

MARILYN BARUA-YAP

ORO REP

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with