^

Bansa

Pulis na inireklamo sa FB lumantad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumantad kahapon ang motorcycle escort ni DILG Sec. Mar Roxas na si PO2  Brian Geollegue na inireklamo ng “verbal abuse” at ipinoste ang larawan sa Facebook.

Si Geollegue, na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) ay inakusahan ni Baste Santos ng panghihiya umano sa kaniyang ama na sinigawan pa nitong “Huwag kang tatanga-tanga” na umani ng negatibong ‘cyber bullying’ sa nasabing pulis.

Dahil sa insidente ay agad na sinibak ni Roxas si Geollegue at isinailalim sa restricted custody sa Camp Crame habang hinihintay pa ang pormal na reklamo ng pamilya ng biktima.

Itinanggi naman ni Geollegue na nagbitaw siya ng maanghang na salita sa lalaking kaniyang nakabangga at sinabihan lamang daw niya itong tumingin sa kaniyang nilalakaran upang hindi makadisgrasya.

Ayon kay Geollegue, nangyari ang insidente sa Sta. Lucia Mall sa Cainta nitong Hunyo 18.

Gayunman, buong pagpapakumbabang humingi ng paumanhin si Geollegue sa kung sinuman ang nakasagian nito upang huwag na umanong makaladkad pa ang kabuuan ng pambansang pulisya.

Binigyan naman ng pamunuan ng PNP-HPG ng 10 araw na palugit ang umano’y nakabangga ni Geollegue na isapormal ang reklamo at kung hindi ay ititigil na nila ang imbestigasyon laban dito.

vuukle comment

AYON

BASTE SANTOS

BRIAN GEOLLEGUE

CAMP CRAME

GEOLLEGUE

HIGHWAY PATROL GROUP

LUCIA MALL

MAR ROXAS

SI GEOLLEGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with