DOH nagbabala sa pag-inom ng doxycycline vs leptospirosis
MANILA, Philippines - Nababahala si Health Secretary Enrique Ona sa pagdami ng bilang ng mga umiinom ng antibiotic na doxycycline bilang preventive measure o gamot sa leptospirosis.
Ayon kay Ona, nakatanggap sila ng ulat na dumarami ang mga taong umiinom na kaagad ng doxycycline pagkalusong sa baha upang makaiwas sa leptospirosis.
Nilinaw ng kalihim na bagaman at maaari ngang makaiwas sa naturang sakit kung iinom ng doxycycline, ay hindi naman ito maaaring inumin nang walang pasabi ang doctor.
Ipinaliwanag ni Ona na ang pag-inom ng naturang gamot ay kailangang sa ilalim ng superbisyon ng isang healthcare professional.
Binanggit din ni Ona ang DOH Memorandum No. 2009-0250 na nagbabawal sa administrasyon ng doxycycline sa mga buntis at mga lactating women, gayundin sa mga batang walong taong gulang pababa.
Mahigpit na pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan na lamang ang lumusong sa baha upang makaiwas sa sakit, na nakukuha mula sa ihi ng daga at iba pang hayop.
Kung hindi naman aniÂya ito maiiwasan ay mas makabubuting gumamit ng protective gears sa paglusong sa baha tulad ng bota at iba pa.
- Latest