^

Bansa

PNoy hindi nanghinayang kay Servando

Rudy Andal/Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nanghinayang si Pangulong Aquino sa biglang pag-alis ni PAGASA chief Nathaniel Servando na mas piniling magturo na lamang sa isang kolehiyo sa Qatar.

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview, hindi niya itinuturing na mayroong ‘exodus’ sa PAG­ASA dahil sa ilalim ng kanyang administrasyon ay 3 lamang ang nawala sa weather bureau kung saan ang isa ay siya mismo ang sumibak.

Ipinagmalaki pa ng Pangulo na mayroong 37 bagong meteorologists ang Department of Science and Techonology (DOST) na sinasanay ngayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration upang ma­­ging ganap na weather­ forecaster specialists.

Idinagdag pa ni PNoy, sa kabuuang 5 umalis sa PagAsa simula noong 2000 ay mayroon na silang 37 bagong kapalit na sumasailalim ngayon sa pagsasanay.

Samantala, upang higit na makapagbigay ng napapanahong impormasyon ng mga kalamidad na pumapasok sa bansa, gagastos ang PagAsa ng P800-milyon para ipambili ng mga bagong kagamitan ng ahensiya.

Ayon kay PagAsa Ad­ministrator Dr. Vicente Ma­lano, partikular na ga­gastusan ang 5 mobile Radar na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P35 milyon.

Bibili rin ng mga CCTV na planong ilagay sa mga coastal areas, gayundin sa mga tinatawag na Telemeters na mag-momonitor ng level ng tubig sa mga malalaking ilog sa bansa at 600 rain gauges na gagamitin sa pagmo­nitor sa dami ng dalang ulan ng bagyo.

AYON

BIBILI

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHONOLOGY

DR. VICENTE MA

NATHANIEL SERVANDO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->