^

Bansa

14 Pinoy nasagip sa nahating barko

Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasagip ang 14 tripulanteng Pinoy matapos mahati sa dalawa ang kanilang sinasakyang cargo vessel habang nag­lalayag sa karagatan sa pagitan ng India at Yemen.

Sa report na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Singapore-bound merchant vessel na MV Mol Comfort na nagmula sa Jeddah, Saudi Arabia ay nahati sa gitna at nailigtas ang lahat ng crew nito na 14 Pinoy at 12 Russians.

Sa unang ulat ng The Indian Express, ang MV Mol Comfort na may 316 metrong haba ay naglalaman ng 4,500 containers mula Saudi at habang nag­lalayag may 840 nautical miles  o 1,557 kilometro ang layo sa Mumbai coast nang biglang mahati ang nasabing barko sa dalawa noong Lunes.

Mabilis na nagsagawa ng rescue operations ang Indian Coast Guard matapos na makatanggap ng distress call mula sa barko at nasagip ang mga crew na isinakay sa dalawang life rafts at life boat.

Napilitan umanong i-divert ng Maritime Rescue Coordination Center ang tatlong barko na MV Hanjin Bejing, MV Zim India at MV Yantian Express na naglalayag din malapit sa pinangyarihan ng insidente dahil sa ginawang rescue operations.

Ang mga nasagip na 26 tripulante ay dinala na sa Colombo para sa medical examinations at stress debriefing.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HANJIN BEJING

INDIAN COAST GUARD

INDIAN EXPRESS

MARITIME RESCUE COORDINATION CENTER

MOL COMFORT

PINOY

SAUDI ARABIA

YANTIAN EXPRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with